Wednesday, September 25, 2019

Ang tradisyonal at makabagong panliligaw sa bansang pilipinas.




Ibang iba na ang ating panahon ngayon sa nakagisnan ng ating mga magulang at ninuno noon, maging ang paraan ng panliligaw ay nag-iba narin. Ngayon balikan natin kung paano ang paraan ng panliligaw sa sinaunang panahon at ngayon. Noon ang panliligaw ay dinadaan sa harana, pagbibigay ng bulaklak at paghahandog  ng tula sa binibining nililigawan. Nagsimula sa liham ng isang lalaki na punong puno ng makata at matamis na salita na naglalahan ng kanyang pagsinta sa iniibig nitong babae. Para tanggapin ang lalaki sa mga magulang ng babae ay dapat niya mapatunayan na karapat dapat siya sa kanilang anak. Dapat din niya ipakita ang mga kakayahan niya.


Ngayon minsan ay di na kailangan ng mga lalaki na pumunta sa bahay ng babae upang umakyat ng ligaw dahil sa ating mga makabagong teknolohiya. Maari na kasing manligaw sa internet sa pamamagitan ng chat at sa mga dating sites gaya ng "Tinder".Ngayon ay mas materyalistiko na ang magkasintahan sa paghahayag ng kanilang pagibig sa kanilang sinisinta tulad ng pagbibigay ng mamahaling singsing o hikaw. Dahil din sa pagiging materyalistiko may mga relasyong di na nagtatagal. Di na lahat ng tao sineseryoso ang pag-ibig, di gaya noon na pinapahalagahan at ginagawa ang lahat para makamit ang kanilang natatanging minamahal. Minsan nga, may mga sitwasyong na ang babae na ang nanliligaw at nagpapakita ng motibo dahil ayon nga sa kanila iba na ang ating henerasyon ngayon dahil kung ano man ang kayang gawin ng lalaki noon ay kaya na rin ng mga kababaihan ngayon. Nakaya na nila itong gawin dahil ang mga lalaki ngayon ay nagiging torpe na at naka asa nlng sa chat.